May kaibhan ang ningning sa liwanag. Alin ang nagpapakilala ng mas tunay?
Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapawari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapuy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumadampot. Ang ningning ay maraya. Ang hanapin ay liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning.
~ Emilio Jacinto
Taken from AGIMAT NI APO by Fr. Ted Gonzales, SJ (p.33)
20 March 2008
Quote of the Day
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment